Dear Friends, This May 7, 2013, Tuesday, we are commemorating the HEALTH WORKERS DAY, as per Republic Act No.10069 known as “An Act Declaring May 7 of Every Year as “HEALTH WORKERS DAY” to give due recognition to the important role and contribution of the health workers who provide vital health services to the people and to promote their rights and welfare and enhance their sense of worth and dignity (Sec. 2.)

The HEALTH WORKERS deserve to be given recognition for their contribution to the country’s health and development. However, the health workers’ conditions regarding security of tenure, low salaries and benefits and right to association have remained the same, if not worse.

As part of our commemoration and contribution to the nation-wide action, the Health for the Pipol Brigade (H4PB) would like to invite you to join us in posting our banner or tarpaulin in your offices/schools.

Attached herewith is the statement from the Alliance of Health Workers (AHW) and Chestcore and the lay-out of our poster. You can add your organizational logo as signatory.

With you in asserting the People`s Right to Health,

CHESTCORE

 

May 7 – Araw ng mga Manggagawang Pangkalusugan,Pahigpitin ang Pagkakaisa! Ipaglaban ang ating Karapatan at Karapatan ngMamamayan sa Kalusugan!

Mayo 4, 2013

Ngayong May 7, 2013, mulinating gunitain ang Health Workers Day na ipinagtibay ng batas na RA10069.  Sa pamamagitan ng sama-samangpagkilos itatak natin na tanging sa ating nagkakaisa at lumalawak na pagkiloslamang natin naipaglalaban ang ating kapakanan at para sa karapatan sakalusugan ng mamamayan!

Ang araw din ito aypagbibigay pugay natin sa mga martyr at lider ng sektor tulad nila dating Prof.Minda Luz Quesada, Dean Mary Vita Jackson, Bernie Villenas,  Boyet Valeza Jr. at iba pa nagsislbinginspirasyon  sa laban para sa dagdag nasweldo, benepisyo, pagsilbi sa komunidad, laban sa malawakang tanggalan at ibapang karapatan ng mga manggagawang pangkalusugan at mamamayan.

Sa araw din ito  ipagbunyi natin ang mga tagumpay na bungang  nagkakaisang paglaban noong sanakaraang mga taon kung saan:

·        Hindi natanggal ang mga benepisyo katulad ng hazard pay, subsistence at ibapa

·        mahigpit na tinutulan ang Joint Circular No. 1 na pinaliliit ang atingbenepisyo na nakasaad sa RA 7305 o Magna Carta of Public Health Workers

·        patuloy na nakikibaka para sa makatarungan at nakabubuhay na sahod

·        pagtutol sa mga patakarang nagkakait sa sambayanang Pilipino sa abotkayahanggang libreng serbisyong pangkalusugan

·        pagpapataas ng pambansang badyet pangkalusugan

·        pagpatigil sa corporatization bill ng 26 na pampublikong ospital  sa Kongreso na magligalisa sa pagsasapribado ng mga pampublikong ospital

·        patuloy na lumalaban at paglalantad ng mga patakarang globalisasyon nalalong nagkakait sa sambayangang Pilipino sa karapatan sa kalusugan atkabuhayan

Dapat lamang na ngayong arawng manggagawang pangkalusugan,  mashigitan pa  ang ating  organisado lakas at aktibong pagkilos paratutulan ang pribatisasyon na nagdudulot ng kapinsalaan sa karapatan sakalusugan ng mamamayan at  manggagawangpangkalusugan. Labanan ang iba’t ibang porma ng pribatisasyon  katulad ng public-private partnership (PPP)sa pamamagitan ng build-operate-transfer (BOT) na  gagawin sa Philippine Orthopedic Center.Nandun din ang “modernization of hospital complex” o merging ng tatlong ospital– Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital at FabellaHospital. Nagkukumahog pa rin ang pamahalaang P’Noy na ibenta ang WelfarevilleProperty at Mental Hospital sa kapinsalaan ng mahigit na 1,200 na  pasyenteng maysakit sa  isip. Kaalinsabay nito, taon-taongbinabawasan ang badyet para sa serbisyong pangkalusugan at ipinipilit samamamayan na  Philhealth Insurance angsagot   sa gastusin ng pagpapagamot.Magdudulot ito ng pagtaas ng presyo at walang libreng serbisyong pangkalusuganpara sa 80% na mamamayan ng Pilipinas.

Wala ring puknat napambubusabos at bangungot sa hanay ng mga manggagawang pangkalusugan angmaidudulot ng  pribatisasyon  sa anyo ng kontraktwalisasyon, mababangsahod, early retirement at kawalan ng kaseguruhan sa  trabaho at benepisyo. Sa ngayong taon, saminimum 22,500 na nars ang kontraktwal mismo ng Department of Health (DOH) natumatanggap ng sahod na P6,720 hanggang P8,000 . Madadagdagan ito kapag tuluyang maisapribado ang mgapampublikong ospital.

Malinaw na tinalikuran ng pamahalaangP’Noy ang kanyang responsibilidad  parasa kagalingan ng mamamayan. Sunud-sunuran ang pamahalaan sa patakarangneoliberal na dikta ng malalaking dayuhang kapitalista sa pamamagitan ngInternational Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at iba pa para pumiga ngsuper tubo mula sa ating murang lakas paggawa at likas na yaman ng  bansa.

Kaya’t sa Araw ng mgaManggagawang Pangkalusugan, ipakita natin ang ating organisadong lakas atsumama sa pakikibaka para kondenahin ang pamahalaang Aquino sa kanyang anti-mamamayanat anti-manggagawang polisiya. Ipaglaban ang ating karapatan at kalusugan ng mamamayan.

Tutulan, Labananang lahat ng porma ng pribatisasyon!

Ipaglaban ang 5% GDP(P527 B – 2013) para sa badyet pangkalusugan!

Ipaglaban angabot-kaya hanggang libreng serbisyong pangkalusugan!

Ipaglaban ang Karapatan sa Trabaho, Sahod at Benepisyo!

Signatories:

Alliance of Health Workers(AHW)

Community Health EducationServices and Training in the Cordillera Region (CHESTCORE)